Chapter 12: First kiss
HINDI malaman ni Joy kung ano ang dapat gawin nang maglapat ang labi nila ng binata. Kinabig nito ang kanyang batok kung kaya hindi mailayo ang mukha mula dito. "Uhmmp!" Pilit na nanlaban at tinutulak si Yosef ngunit lalo lamang naging marahas ito sa paghalik sa nakatikom niyang bibig.
"Ouch!" Daing ni Yosef at pinutol ang halik dahil inapakan ng dalaga ang kanyang paa.
"Bakit mo ako hinalikan? Manyak ka talaga kahit kailan, paano na kapag nalaman ito ng mga Madre? Baka hindi na nila ako tanggapin!" Umiiyak na sumbat ni Joy dito habang pinapalo ng palad sa dibdib ang binata. "So ako ang first kiss mo?" Malapad ang ngiti na tanong pa nito at hindi ininda ang palo ng dalaga. Hinayaan niya lang ito na saktang siya hanggang sa mapagod. "Nagawa mo pang matuwa na damuho ka!" Lalong nagalit ang dalaga, tumigil ito sa pag-iyak at padabog na iniwan ang binata sa labas ng bahay.
Sumisipol habang nakangiti si Yosef na sinundan ang dalagang galit sa kanya. Mabilis ang hakbang at hinarang ang sarili sa pintuan bago pa ito tuluyang sumara.
"Umalis ka na dahil ayaw ko nang makipag-usap sa iyo!" Bulyaw ni Joy sa binata at tinutulak pasara ang pinto.
"Huwag ka nang magalit, hindi bagay sa iyo at saka bad ang magalit sa kapwa ayon sa banal na kasulatan." Panunuyo niya sa dalaga at hindi inalis ang katawan sa pintuan.
"Huwag mong isali dito ang bagay na iyan!" Umiyak na naman ito dahil pakiramdam niya ay isa na siyang maruming babae.
"Hey, sorry na!" Tangkang yayakapin niya ito upang aluin ngunit umurong ito palayo sa kanya.
"Mabubura ba ng sorry na iyan ang halik mo sa akin?" Angil nito sa binata at lalong lumakas ang iyak.
"Tsk parang bata, halik lang iyon at mabuti na rin na hindi ka na nila tanggapin dahil tuloyan ka nang maging akin," anito at sumandal sa nakasarang pintuan.
"Ayaw ko sa iyo!" parang batang sagot nito sa binata. Nagpupuyos pa rin ang kalooban dahil sa galit. Para sa kaniya ay mahalagang bagay ang nawala sa kaniya ngayon. Pero ang damuhong binata ay baliwala lang dito. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa isang babaerong lalaki?
"At kanino mo gusto, kay Mark?"
"Mas mabuti pa sa kanya at gentleman siya saka hindi babaero." Nakasimangot na tugon ni Joy. Gusto niyang makaganti dito sa pamamagitan ng pag-apak sa pride nito. Alam niya na gusto lamang siyang makuha nito tulad sa mga babaeng nagdaan sa buhay ng binata.
"Wala akong pakialam kung iyan ang tingin mo sa akin, you are mine and no one can touch you except me!" Pinalidad na wika ng binata habang pinasadahan ng tingin ang suot ng dalaga. Ang sexy nito tignan kahit simpleng bisteda lamang ang suot at hindi gaanong hapit sa katawan.
"Sabihin ko kay Mark na bayaran ka sa nagastos mo sa aking kapatid, mapera din iyon." Humalukipkip sa isang tabi si Joy at nanghahamon ang tinig.
"Sinusubokan mo ba talaga ang aking pasensya?" Galit na umalis sa pagkasandal sa pintuan ito at humakbang ng mabagal palapit sa dalaga na naging alerto sa paglayo sa kanya.
"Mas masarap ba siyang humalik keysa sa akin?" Salubong ang mga kilay na pilit hinuhuli ng tingin ang mata ng dalaga na umiiwas sa kanya.
"O-oo," pautal na sagot ng huli dahil hindi kayang magsinungaling at patuloy sa paghakbang paurong.
"Talaga? Anong lasa?" sarkastikong tanong ulit nito.
"May lasa pa ba iyon?" Nataranta si Joy nang ma-corner siya ng binata sa isang sulok ng maliit na bahay.
"Yes, kapag nasagot mo ng tama ay uuwi ako pero kapag hindi ay dito ako matutulog." Tinukod nito sa dingding ang dalawang kamay sa magkabilang banda ng dalaga.
"Ano ba, tinatakot mo na ako eh!" reklamo niya at pilit na pinakita ditong galit siya. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya ng mga oras na iyon lalo na nang malanghap ang mabango at masculine na amoy ng binata. "Sa pogi kong ito, natatakot ka?" Nakangising turan ni Yosef.
"Huwag ako ang manyakin mo, umuwi ka na nga at kalimutan ko na lang na ninakaw mo ang first kiss ko."
Tuloyan ng natawa si Yosef sa tinuran ng dalaga. Napakainosinte nito at hindi niya hahayaang pagsamantalahan ng ibang lalaki.
"Sasabihin ko sa iyo kung ano ang lasa ng tunay na halik!" Mabilis na hinapit ang beywang ng dalaga at kinabig ng isang kamay ang batok nito.
Hindi na nakahuma si Joy sa bilis ng binata. Napabuka ang bibig niya dahil sa gulat at sinamantala iyon ng binata. Agad na naglikot ang munting dila nito sa loob ng bibig niya at pasisid ang halik.
Nanlalaki ang mga mata ng dalaga at hindi alam kung ano ang gagawin. Nalasahan niya ang labi ng binata ngunit hindi niya masabi kung anong flavor iyon. Naging mapusok at mapaghanap ang halik nito kung kaya napapikit na lamang siya. Hindi napigilan ang isang ungol na kumawala sa bibig nang sinipsip ni Yosef ang kanyang dila.
"Kiss me back," utos ni Yosef dito nang hindi hinihiwalay nang tuluyan ang labi sa dalaga.
"Paano?" tila nahipnotismo na tanong ni Joy. Natuliro ang puso't isipan nang maramdaman ang marahan na pagpisil ng kamay nito sa kanyang balakang. Gusto niya itong itulak ngunit tila may sariling isip ang mga kamay na nanguyapit sa balikat ng binata upang hindi tuluyang mabuwal sa pagkatayo.
"Gayahin mo lang ang bawat galaw ng labi ko." Yosef said in husky voice.
Tuluyan ng naglaho ang kaunting katinuan sa isip ng dalaga nang muling sakupin ni Yosef ang kanyang labi. Tulad ng kanyang kamay ay nagkaroon din ng sariling isip ang kanyang labi at natutong tumugon sa halik ni Yosef.
Pakiramdam ni Yosef ay kakaiba sa mga nagdaang babae sa kanyang buhay ang kahalikan ngayon. Halik pa lang ay langit na sa kanyang pandama. Lalo siya naging mapangahas nang maramdaman ang pagpaubaya ng dalaga at pagtugon sa kanyang halik. Ayaw niyang biglain ito sa makamundong pangangailangan kung kaya triple ang ginawang pag-control sa sarili.
"Simula sa araw na ito ay akin ka na, is that clear?" Masuyong iniangat ang mukha ng dalaga matapos gawaran ng matamis na halik sa labi ito.
Parang nakalutang ang pakiramdam ni Joy ng mga oras na iyon. Nakatingin lang siya sa binata at hindi naintindihan ang sinasabi nito. Parang may gamot na droga ang halik nito dahil gusto niyang maulit muli iyon. Wala sa sarili nakagat ang ibabang labi dahil sa naisip habang nakatingin sa labi ng binata.
"Don't do that!" Namamaos ang boses na saway sa dalaga, tila bigla siya nakaramdam ng uhaw na tanging ang dalaga lamang ang makatanggal niyon.
"Do what?" Tulirong tanong ni Joy at bahagyang nabuway sa pagkatayo.Content held by NôvelDrama.Org.
Walang salita na binuhat ito ni Yosef at umupo sa isang sofa kasama ang dalaga.
Umalma si Joy nang mapagtanto na nakaupo na siya sa kandongan ng binata.
"Don't move!" Tila hirap na saway muli sa dalaga. "Lalo mo lang ginagalit ang alaga ko sa paglilikot mong iyan."
"Ibaba mo na kasi ako!" Namumula ang pisngi sa hiyang naramdaman ngayon.
"Kiss me first," mapanuksong wika ng binata.
"Adik ka talaga sa halik, nakarami ka na ah!" Sumimangot si Joy upang pagtakpan ang hiyang nararamdaman sa binata.
"Kapag hindi mo ako hinalikan, ito ang hahalikan ko." Humaplos ang isang palad sa binti ng dalaga pataas. Naging madali sa kanya ang pagdama sa balat nito dahil nakasuot lamang ito ng bisteda.
Kinilabutan si Joy sa init nang palad nito na nadarama sa kanyang balat. Parang may kuryenteng gumapang sa kanyang kalamnan at nag-init ang kanyang pakiramdam.
"Yosef tama na," padaing na pigil nito sa kamay ng binata nang tumaas pa lalo ito sa paghaplos.
"Pagbigyan mo na ba ako?" Mapanuksong tanong ng binata at binigyan ng maliliit na halik sa leeg ang dalaga. Napaliyad ito dahil sa kaniyang ginawa kaya dumiin ang halik niya roon.
"Ano ba ang ginagawa mo sa akin?" Hinahapong tanong ni Joy dito dahil sa lakas ng kabog ng dibdib.
"Relax, tinuturuan lang kita ng leksyon upang hindi na muli sumuway sa gusto ko." Puno ng kapilyohan na tugon ng binata. "Now kiss me!" utos muli nito na hindi humihiwalay ang tingin sa namumungay na mata ng dalaga. Tikom ang bibig na umiling si Joy, pinipigilan ang sarili na huwag magpadala sa tukso na nasa kanyang harapan ngayon.
"Ayaw mo talaga?" Nakangisi na tinaas pa lalo ang kamay, nasa loob na ng damit ang mainit na palad niya.
"Pu-putolin ko iyang kamay mo!" Nanginginig ang kamay na hinuhuli ang palad ng binata na nangahas dumama sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Kulang sa lakas na tumanggi sa kagustohan ng binata. "Yo-Yosef, naiihi ako!" anas ni Joy nang pabulong dahil para siyang nakuryente sa ginagawa sa kaniya nito.
"Tsk, hindi pa nga ako naka first base, ang bilis mo namang labasan." Palatak ng binata at marahang ibinaba mula sa kandungan niya ang dalaga.
"Anong labasan?" Naeskandalong tanong nito sa binata nang makatayo na sa harap nito.
"Hindi mo nga pala alam iyon," ngumiti pa ito ng nakakaloko habang kinakamot ang batok kahit hindi naman iyon makati.
"Ako yata ang lalabasan ng wala sa oras." Dugtong pa nito kasabay ng pagtingin sa ibaba.
Napasunod naman ang tingin ni Joy doon at ganoon na lang ang pagkahindik nang makita ang bukol sa harap ng binata. Tila ito isang ahas na galit dahil nakakulong sa loob ng kasuotan ng binata. "Ahhh ang manyak mo talaga!" Nagpapadyak ang mga paa ni Joy at tinuturo ang galit na sandata ng binata. Isipin pa lang niya na inupoan niya ito kanina ay nanayo lahat ng kanyang balahibo. "Huwag katuro, baka manuno ka." Tumawa ng malakas ang binata dahil sa hitsura ng dalaga ngayon. Mukha itong nandidiri na natatakot sa natuklasan.
"You moron, jerk!" Patuloy sa pagpadyak ito ng mg paa at binato ng kahit anong bagay na mahawakan ang tumatawang binata dahil sa pagkaaliw sa kanya.
"Ouch, hey! Tama na baka matamaan mo si Jr tutuklawin ka na talaga nito."
Napatigil naman si Joy sa ginagawa at naestatwa sa kinatayuan dahil sa takot. "Umuwi ka na nga!" Bulyaw nito sa binata upang hindi mahalata ng huli ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. "Kiss ko muna," parang batang hiling pa nito ng makalapit sa dalaga.
Inambahan ito ng kamao ng dalaga sa nanunulis nitong nguso. Sa halip na malungkot ay ngumiti siya. Malapad ang ngiti na tumalikod matapos halikan ang kamao ng dalaga. "Goodnight my Dear Joy!" Kumindat pa ito bago tuluyang isinara ang pintuan.