In A Town We Both Call Home

Chapter 20



Chapter 20

“JAKE?”

Nahinto sa pag-iisip si Jake nang marinig ang tanong na iyon ni Milton. Diniinan niya ang gilid ng mga

mata para pigilan ang pagpatak ng mga luha. “Lea’s happily married with Timothy now. And my

daughter doesn’t want to see me now.” Mapaklang natawa siya. “I messed up. Big time. Hell,”

Napamura siya. “Do you know where I can fucking get a time machine? I need it now more than ever,

Milton. Or else I’ll go nuts.”

Ibinaba ni Jake ang wala nang lamang bote ng alak sa mesa. Natutop niya ang noo. Umalis siya noon

sa bahay ni Lea hindi dahil gusto niya. Kundi dahil alam niyang kailangan niya na muna itong bigyan

ng oras para sa sarili nito. She was hysterical. And he badly wanted to be there for her. Pero tama si

Lea. Mas pinipilit nilang magsama ay mas lalo lang nilang nasasaktan ang isa’t isa.

Napakaraming gustong sabihin ni Jake noon. Gusto niyang sabihing sa pagkakataong iyon ay ito ang

nagkukulang ng tiwala para sa kanilang dalawa. At para sa sarili nito. Hindi niya alam kung paano bigla

na lang napasok noon si Leandra sa usapan. Napakababa ng tingin ni Lea sa sarili nito para isiping si Original content from NôvelDrama.Org.

Leandra pa rin ang nakikita niya rito. Nang mga sandaling iyon ay gusto ring sumama ng loob niya.

They could have saved themselves from more trouble if only she allowed him to explain his side. Pero

na-realize niyang hindi niya rin masisisi si Lea sa nangyari. Masyado niya na itong nasaktan para

makinig pa sa kanya. Masyado na itong na-trauma sa nakaraang mga nagawa niya rito at sa anak.

Binigyan ni Jake si Lea ng oras. Nagbakasakali siyang baka pagkalipas ng ilang araw sa pagbabalik

niya ay magiging mahinahon na ito kahit paano at makakapag-usap na sila. Kinuha niya na rin ang

pagkakataong iyon para makausap si Diana.

Totoo ang sinabi ni Lea na napanaginipan niya nga ito. Tandang-tanda niya iyon dahil iyon ang lintik na

panaginip niyang sumira sa lahat. Pero iyon ang kauna-unahang pagkakataon na napanaginipan niya

si Diana. And in his dream, they were finally letting go of each other. In his dream, he found peace

seeing her with Alexis. Sa panaginip niya ay naroroon rin ang kanyang mag-ina at magkasamang

pinapanood nila ni Diana hanggang sa nagpaalam na sila ng huli sa isa’t isa.

Hindi niya nagawang sagutin si Lea ng tungkol sa pagmamahal noon. Dahil ginusto na muna ni Jake

na makasiguro. Pakiramdam niya ay hindi tamang basta niya na lang iyon sabihin dahil lang hinihingi

ng pagkakataon. And he also had doubts if Lea will believe him, too. Because that time was the wrong

time for everything. Masyadong mataas noon ang emosyon ni Lea para makinig sa anomang sasabihin

niya. And when he saw Diana again, it was only then when he figured out just how stupid he was.

It had been Lea all along.

Oo, minahal ni Jake si Diana. Minahal rin siya nito. Naramdaman niya iyon. Naging napakadali para sa

kanilang ibukas ang nararamdaman para sa isa’t isa dahil subconsciously ay pareho silang may mga

tinatakasan at nang matagpuan ang isa’t isa ay inakala nilang tuluyan na silang makakatakas. They’ve

found refuge with each other. A solid one. Because deep inside, their hearts knew they were alike. Ito

ay tumatakbo palayo sa nararamdaman nito para sa best friend nitong si Alexis. Siya ay tumatakbo

palayo sa kanyang mag-ina sa takot na mas masaktan ang mga ito sa presence niya.

Inakala nila ni Diana na perpektong pagkakataon ang nahanap nila para sa isa’t isa. Walang naging

aberya sa pagitan nila. Sa isa’t isa ay may kontrol sila. Kontrolado nila ang nararamdaman. Kontrolado

nila ang sitwasyon. At kontrol ang isang bagay na noon ay kailangang-kailangan nila. Dahil wala sila

niyon sa mga taong tinatakasan nila. Tama lang na hindi natuloy ang kasal nila. If that took place, they

would have been married to each other for the wrong reasons. And they would have regretted it

afterwards knowing how cowards they both had been.

That was when Jake realized that fears are monsters, too. Dahil sa takot nila ni Diana noon ay

pinahirapan nila hindi lang ang mga sarili nila kundi pati na ang mga taong nakapaligid sa kanila.

Minahal niya si Diana dahil ginusto niyang magmahal na noon. Tama ang ipinaliwanag nito sa kanya.

What they both had was make-believe. Dahil si Lea ang totoong itinitibok ng puso niya. Iyon ang na-

realize niyang dahilan kung bakit mas apektado siya sa tuwing nakikita ito at si Timothy noon kaysa sa

tuwing nakikitang magkasama sina Diana at Alexis.

Si Lea ang kanyang tahanan. Ang comfort zone niya. Ang lakas at kahinaan niya. Ang inspirasyon

niya. Only she can put him on top of the world. But she was the only one who can also put him down

the drain.

He didn’t want to acknowledge his feelings for her before knowing that she was off-limits. Hindi na

nawala ang trauma ni Jake sa nangyari sa kapatid niya. Subconsciously ay natakot siyang kapag

sinubukan niyang itaas ang lebel ng relasyon nila ay masaktan o di kaya ay mabigo niya rin si Lea. At

hindi niya iyon kakayanin. Hindi niya kayang biguin ang nag-iisang taong kinatatakutan niyang mawala

sa buhay niya.

Pero nabigo niya pa rin si Lea. Ng ilang beses. Nang may mangyari sa kanila ay paulit-ulit na sinisi ni

Jake ang sarili. Nakatatak na sa isip niyang hindi siya ang para rito. At nang matuklasan niyang buntis

ito ay mas lalo siyang nagalit sa sarili dahil sinira niya ang kinabukasan nito, ang posibilidad na

magkaroon ito ng mas magandang buhay sa piling ng taong mas nararapat para rito. She was offering

him her love. But he couldn’t take that. Because he was blinded. He didn’t know what love truly was

until he lost her, until he couldn’t reach her one day. Para siyang pinangapusan ng hangin nang bigla

na lang itong mawala sa buhay niya.

Inabot si Jake ng mahigit dalawang linggo bago niya nagawang balikan ang kanyang mag-ina noon.

Sunod-sunod ang naging problema niya sa hotel. Natuklasan niyang palihim na palang nagnanakaw

ng pera roon ang vice-president niyon na siyang isa pa sa mga pinagkakatiwalaan niyang tao. Bigla na

lang iyong naglaho. Ilang linggo bago niya ito na-trace. Sa awa ng Diyos ay nagawa niyang mabawi

ang pera rito kahit pa hindi na iyon buo. Inayos niya na muna ang lahat ng problema sa hotel para sa

pagbabalik sa buhay ng mag-ina ay mas maayos na rin siyang makakaharap sa mga ito. Plano niya rin

sanang magbakasyon sa ibang bansa kasama ang dalawa.

Pero wala nang nabalikan si Jake. Ang mga tauhan niya sa bahay ni Lea ay pinaalis na rin pala nito

noon ring araw na umalis siya roon kaya walang nakapagsabi sa kanya ng nangyari. Hinanap niya ang

mga ito. Nagpunta rin siya sa Pangasinan at hinarap ang mga magulang ni Lea, umaasang naroroon

ang kanyang mag-ina.

“Alam kong ikaw ang nagpapadala ng mga regalo rito sa bahay tuwing may mahalagang okasyon,

Jake. Kahit walang nakalagay na sa iyo nagmula ang mga iyon ay hindi na mahirap hulaan. Dahil kayo

lang naman ni Lea ang nakakaalam ng mga importanteng araw sa buhay ng pamilya namin.” Panimula

ng ama ni Lea. “Parati kang dumadalaw rito, nangungumusta. Nagtatanong kung anong kailangan

namin. Nag-aalala para sa amin. Pero ni minsan, hindi ka nagbanggit ng tungkol kay Lea.”

Humarap sa kanya si tatay Nelson at pinakatitigan siya. “Hindi rin kami nagtanong sa ‘yo. Wala kang

narinig sa amin. Pero patuloy pa rin ang naging pagtatago n’yo sa amin ni Lea. Hindi n’yo ba naisip na

iisang pamilya tayo? Kilalang-kilala ko ang anak ko kung paanong kilalang-kilala rin kita. Dahil kami na

ni Nanay Norie mo ang halos nagpalaki sa iyo nang mawala ang mga magulang mo.” Tumayo ito at

pabiglang lumapit sa kanya kasabay ng dalawang malakas na pagsuntok nito sa panga niya.

Galit na galit na dinuro siya nito. “Hinintay namin kayong magpaliwanag! Lalo ka na! Pero hindi ka

nagsalita! Naghintay pa rin kami. Umaasang dahil nga kilala ka namin ay may matututunan ka rin isang

araw. At may magagawa ka rin isang araw. Pero wala! Sinaktan mo lang ang anak at apo ko! Paano

mo nagawa iyon, Jake? Ikaw na tinuring na naming anak?”

Sa kabila ng lahat ay nakaramdam ng tuwa si Jake sa mga suntok na iyon. Hindi pa iyon sapat na

kabayaran para sa mga nagawa niya pero natuwa siyang kahit paano ay nakatanggap niyon. He had

been dying to receive those punches for a long time now. Because he deserve that. He deserve all the

curse and punch Lea’s father would give. Ilang ulit niyang ginustong umamin noon sa tuwing

nagkakaroon sila ng pagkakataong mag-usap ni Lea.

Pero ilang ulit ring tinututulan iyon ni Lea. Sa tuwing nangyayari iyon ay mas lalong nakararamdam si

Jake ng panliliit sa kaisipang ayaw siya nitong ipakilalang ama ng anak nila. Ngayon ay malinaw na sa

kanya. Kaya hindi siya nagkaroon ng ibang karelasyon simula nang magkaanak maliban kay Diana ay

dahil subconsciously ay umaasa siyang isang araw ay tatanggapin ni Lea ang kagustuhan niyang

magpakilala sa mga magulang nito. And maybe her parents could help her think afterwards.

Baka kapag nalaman na ng mga magulang nito ay pumayag na itong magpakasal sa kanya. Hindi niya

na naulit ang pagpo-propose rito noon sa pag-aalalang matanggihan uli. Dahil kung magpapakatotoo

lang siya sa sarili ay pinilit niya na lang na tanggapin ang mga rason na ibinigay nito kung bakit hindi

sila pwedeng magpakasal. Pinilit niyang magpanggap na ayos lang iyon sa kanya. But deep down, her

rejection wounded him. Nang dumating si Diana sa buhay niya, halos pareho lang sila ng naging rason

nito. Pareho na silang sumusuko sa mga taong tinatakasan nila.

Lumuhod siya sa mga magulang ni Lea kasabay ng pagyuko. Mariing ipinikit ni Jake ang mga mata.

“Patawarin n’yo po ako sa mga pagkakataong nagiging tanga at duwag ako. Forgive me for the times

that I was so afraid to come near Lea and Janna thinking that I would hurt them more, that I would fail

them more, that I would ruin them all the more. Nakalimutan ko na ang takot ay kakambal pala ng

pagmamahal. Hindi ko naisip na pagmamahal na pala ang nararamdaman ko. Tanga nga po kasi ako.

“Hindi ko naisip na kaya ko palang suklian ang natatanggap kong pagmamahal. Hindi ko naisip na

kung naging matapang lang ako sa simula pa lang, hindi na mangyayari ito.” Jake’s voice broke.

“Patawarin n’yo po ako kung naduwag akong tanggapin ang pagmamahal niya at tanggapin rin sa sarili

kong nagmamahal ako. I was so focused on trying not to cause them more pain. Nakalimutan kong

isipin na ang ginagawa ko ay pagmamahal na rin. Forgive me for failing to realize that sooner, for

failing to realize that it’s okay to get hurt as long as you have the one you love with you. Na

mababawasan pala ang sakit kapag hinarap mo ‘yon ng kasama ang taong mahal mo.”

Pumatak ang mga luha ni Jake. “Dahil sa nangyari sa kapatid ko noon, without knowing, I closed all my

doors. Si Lea lang ang nag-iisang taong pinapasok ko nang tuluyan sa buhay ko. Dahil sa trauma ko,

hindi ko alam na pag-ibig na pala ang kahulugan niyon. Patawarin n’yo po ako. Pero babawi po ako sa

mag-ina ko, pangako-“

“Bigyan mo na muna siguro ang mag-ina mo ng oras, Jake.” Sa wakas ay sinabi ni Nanay Norie.

“Kailangan n’yo lahat ng panahon para makapagpahinga, para makapag-isip at para ayusin ang mga

sarili nyo. Magpahinga na muna kayo, anak. If you’re really meant for each other, love will bring you

back together. Hindi namin sasabihin kung nasaan sila. Pasensya na. Nanghihina pa kayo pare-

pareho. Ayokong dumating ang panahon na makikita ko uli ang anak ko nang kung paano ko siya

nakita noong nakaraang araw.

“Ayokong lalapit uli siya sa akin para manghingi ng lakas. Dahil nauubos rin ang lakas ng isang

magulang, Jake sa tuwing nakikitang nagkakaganoon ang kanyang anak. Sana ay maunawaan mo

kami kung paanong pilit ka rin naming inuunawa ngayon.”

Naghintay si Jake ng tamang panahon. Pero pagkaraan ng ilang buwan at wala pa ring balita mula

kina Lea ay ipinahanap niya na ito sa isang private investigator. Pero walang nangyari. Iyon pala ay

nasa New Zealand ito at ang kanyang anak. Kasama si Timothy.

“Sorry, bro.” Ani Klay mayamaya. “Pero kung may alam lang akong nagbebenta niyon, I would have

bought one for myself already. Love really sucks most of the time.”

“You will lose her together with her mother. At mararanasan mo ang isang uri ng sakit na hindi mo pa

naranasan sa buong buhay mo. Sa pagkakataong iyon, ikaw naman ang luluha. At siya naman ang

sasaya. Sila ng anak niya. You will be in the sideline---exactly like how you made them feel.” Nang

maalala ang sinabing iyon ng Gypsy sa kanya noon ay hindi na nakapagsalitang tumayo na si Jake.

Mabilis na lumabas na siya ng restaurant. Pagkarating sa kotse ay naisubsob niya ang ulo sa manibela

kasabay ng pagpatak ng mga luha. Heck. Nagkatotoo ang hula. Pero hindi nagkatotoo ang pangontra.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.