In A Town We Both Call Home

Chapter 14



Chapter 14

ILANG segundong hindi nakapagsalita si Jake. Nang makabawi ay binatukan niya si Klay na tatawa-

tawa namang lumayo sa kanya. Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam siya ng kaba sa sinabi

nito. Sa nakaraang mga taon, hindi niya masasabing tuluyang nawala si Lea sa kanya. She had always

been within his reach. Ang katotohanang iyon ang kahit paano ay kumakalma sa kanya. Parating nasa

malapit lang ito at ang kanyang anak.

Pero ang isiping tuluyang mawawala si Lea sa buhay ni Jake ay parang asidong pumapasok sa

sistema niya. Hindi pa malinaw sa kanya kung ano ang nararamdaman para sa dalaga. Pero mahaba

pa ang panahon niya. Tutuklasin niya iyon. Nang hindi nito kinakailangang mawala. Kung anuman

iyon, sa kabila ng iritasyong nararamdaman para kay Timothy ay gusto niyang isiping positibo pa rin

iyon.

It can be a sign of a good beginning. Lalo na at inaayos na nila ang kanilang pamilya sa pagkakataong

iyon.

Pamilya… parang may kung anong mainit na bagay na humaplos sa puso ni Jake sa naisip. Ngayon

niya mas naramdaman iyon. May pamilya nga pala siya. May pamilya na uli siya. “I won’t lose her,

Klay. I won’t.”

Itinaas ni Klay ang mga kamay na para bang sinasakyan na lang ang sinabi niya. Mayamaya ay iniba

na nito ang usapan. “Nagpunta na ba kayo sa The Gypsy Café?”

Sa pagkakataong iyon ay nag-iba na rin ang timpla ng mukha ng mga kaibigan. Pare-parehong

nagdilim ang anyo ng mga ito. Si Jake man ay ganoon rin lalo na nang maglaro sa isip niya ang mga

sinabi sa kanya ng Gypsy na may-ari ng maliit na restaurant na katapat lang ng Rack’s Bistro at

competitor nina Ross at Trevor.

“May babae kang nasaktan.” Naalala niyang panimula kaagad ng babae na talagang pinanindigan ang

pagiging Gypsy. Dahil naghuhumiyaw iyon mula ulo hanggang paa nito base sa kakaibang mga suot.

Mayroon itong makukulay na scarf sa ulo at baywang at makulay ring damit na pinarisan nito ng mas

makulay ring make-up. Nakasuot pa ito ng combat boots. She was by far, the strangest woman he had

ever seen.

Hindi alam ni Jake kung anong pumasok sa kukote niya at sumali siya sa pustahan nina Trevor sa

pilyang kapatid nitong si Roxanne. Iyon ang panahong asar na asar siya sa pagdalaw ni Timothy sa

bahay ni Lea kaya lumabas na muna siya at nakipagkita sa mga kaibigan na huli na nang ma-realize

niyang hindi pala magandang idea. Dahil napasama siya sa pustahang iyon na may kinalaman sa NBA

Finals. Sa Golden State Warriors ang pusta nilang magkakaibigan dahil iisa sila ng gustong koponan.

Habang sa Cavaliers naman si Roxanne. Ang matatalo ay may parusa.

Sa malas ay natalo ang Warriors. Nanalo si Roxanne. At ang pagpapahula nga ang naging parusa nito

sa kanila palibhasa ay alam nitong wala sa mga personalidad nila ang gagawa niyon. Pero sa huli ay

sinunggaban na rin nila iyon kaysa naman ang ipagamit rito ang mga kotse nila lalo pa at alam nilang

may pagka-reckless driver ito.

Hindi naniniwala si Jake sa hula. Hindi siya naniniwalang may isang namumukod-tanging sinuwerteng

nilalang na biniyayaan ng kakayahang makita ang hinaharap. Isa pa, kung totoong mahusay nga ang

Gypsy sa harap niya, hindi ba’t dapat ay mayaman na ito? Dapat ay nakita na nito ang lalabas na lotto

digits at kung ano-ano pa. Pero hindi.

Sang-ayon siya sa naisip ng mga kaibigan. Raket lang iyon ng Gypsy kuno para kumita ang restaurant Content (C) Nôv/elDra/ma.Org.

nito na hindi kaila sa kanilang lahat na humina ang benta simula nang magtayo rin ng mas malaking

restaurant sina Trevor at Ross sa katapat nito.

Nagsalubong ang mga kilay ni Jake. “May lalaki na bang walang nasaktan na babae? Sinadya man o

hindi?”

Ngumiti ang Gypsy pero iyong ngiti na para bang napakarami nang nalalaman tungkol sa kanya. “Pero

may nag-iisang babae kang nasaktan nang todo-todo.” Inilahad nito ang isang palad sa kanya. “Let me

see your hand.”

Napailing si Jake bago sa huli ay nagpaubaya. Inilapit niya ang kamay sa Gypsy na agad naman

nitong hinawakan. Nagulat siya nang mapasinghap ito. Nanlalaki pa ang mga matang nagpabalik-balik

ang tingin nito sa kanya at sa kamay niya.

“Why?” Hindi pa rin kumbinsidong tanong niya.

“I was wrong.” Gulat pa ring bulalas nito.

“I knew it.” Naiinip na hihigitin na sana ni Jake ang kamay nang pigilan iyon ng babae. “What?”

“Nagkamali ako nang sabihin kong isa lang ang babaeng nasaktan mo. There were actually two of

them. Hindi ko lang kaagad nakita ang isa dahil nasa anino siya ng nauunang babae.” Muli ay

pinakatitigan nito ang kanyang kamay kasabay ng paghawak ng isa pa sa bolang kristal sa gilid ng

mesa nito. Pumikit ito kasabay ng pagdiin ng pagkakahawak sa kanya. “Ang nauunang babae ay sa

letrang L nagsisimula ang pangalan. Ang pangalawa ay sa letrang J. Magkaugnay silang dalawa.

Malapit sa isa’t isa na parang… mag-ina?”

Dumilat ang babae at humarap sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay sumibol ang kaba sa dibdib ni

Jake. “May kilala ka bang mga babaeng nagsisimula sa L at J ang pangalan at mag-ina?”

Hindi siya kaagad nakasagot. Naramdaman niya ang pamumuo ng butil-butil na pawis sa kanyang noo.

Muling ngumiti ang Gypsy, iyong ngiting… puno ng kompiyansa. “May kilala ka, hindi ba? I should

know. Dahil kamukhang-kamukha mo ang maliit na babaeng letrang J ang simula ng pangalan. I saw

her in my vision. You have the same eyes. And you will lose her one day. You will lose her together with

her mother. At mararanasan mo ang isang uri ng sakit na hindi mo pa naranasan sa buong buhay mo.

Sa pagkakataong iyon, ikaw naman ang luluha. At siya naman ang sasaya. Sila ng anak niya. You will

be in the sideline---exactly like how you made them feel.”

Parang napasong tuluyan nang hinila ni Jake ang palad mula sa babae. Napatayo siya. “This is

impossible! Umamin ka nga sa akin.” Nagdilim ang anyo niya. “Kilala mo si Lea, ‘di ba? Kilala mo sila ni

Janna kaya mo sinasabi ang mga ito sa akin.”

“Hmm…” Ang babae naman ang mukhang nasorpresa. “So, Lea at Janna pala ang mga pangalan nila.

Magaganda. Gaya nila. Pero paano ko naman sila makikilala? Mukha bang nagpapahula rin si Lea? O

si Janna kaya?” Nagkibit-balikat ito. “Malaya kang umalis kung ayaw mong maniwala, Jake. Sayang.”

Pumalatak ito. “Sasabihin ko pa naman sana sa ‘yo ang pangontra sa hindi magandang mangyayari.”

Patalikod na sana si Jake nang marinig ang pahabol na iyon ng Gypsy. Kumuyom ang mga kamay

niya. Tuluyan na siyang lumabas ng restaurant nito.

“Hula lang ‘yon, Jake. Hula.” Parang baliw na paalala niya pa sa sarili. Pero hindi niya magawang

umalis. Napalingon siya sa pinanggalingan. Bago niya pa mamalayan ay kusa nang kumilos ang mga

paa niya pabalik para sa lintik na pangontra na dalawang libo ang halaga.

“Ikaw, Jake, nagpunta ka na ba? What did that weird girl tell you?”

Nahinto sa pagbabalik-tanaw si Jake nang marinig ang tanong na iyon ni Near. Inabot niya ang bote ng

alak at agad na ininom. Wala nang laman iyon nang ibaba niya sa mesa. “Nothing important.”

Bigla ay narinig niya ang pagtawa ni Klay. “Nothing important pala, ha? Kaya pala nakita ko ang mga

papel na ‘to kanina sa compartment ng kotse mo nang kunin ko ang gamit ko.” Nakangisi pang sinabi

nito kasabay ng pag-angat ng dalawang papel na may tatak pang The Gypsy Café sa bahaging itaas.

Aagawin niya na sana iyon rito nang mabilis nito iyong ipinasa kina Milton.

“Damn it,” Napipikon na binato ni Jake ng mga takip ng bote ng alak ang mga kaibigan nang marinig

ang palakas nang palakas na tawanan ng mga ito habang binabasa ang nakasulat sa mga papel. Sa

isip ay nagsisisi na siyang pinatuloy si Klay sa hotel niya at pinasabay pa sa kotse niya papunta sa

Rack’s Bistro dahil coding ang kotse nito.

“Pangontra ‘tong mga ito, ‘di ba?” Natatawa pa ring sinabi ni Klay.

“Paano mo alam?” Umangat ang isang sulok ng mga labi niya. “May pangontra ka rin ba?”

Napipilan si Klay. Si Jake naman ang nang-aasar na ngumiti sa pagkakataong iyon bago mabilis na

binawi ang mga papel sa iba pang mga kaibigan na natahimik rin. “Aminin nyo na. May mga pangontra

rin kayo, ‘no?”

Kanya-kanyang lihis ng tingin ang mga ito. Nagkibit-balikat naman si Jake bago pinasadahan uli ng

tingin ang lyrics ng Tatlong Bibe at ang isa pang walang title na kanta pero ang lyrics ay tungkol kay

papa bear, mama bear, at baby bear. Naglaho ang ngiti niya at napalitan ng ngiwi. Ang mga kopya ng

mga kantang iyon ang binayaran niya ng dalawang libo. May basbas na raw iyon ng Gypsy kaya mas

mahal. Iyon daw ang kakantahin niya with action sa tuwing pakiramdam niya ay magkakaroon sila ng

problema ni Lea para daw makontra kaagad ang problema. Mababawasan raw ang bisa kung walang

action.

Anak ng pating. Dahil mukhang family matter daw ang issue nila ni Lea ay kailangang iyong papa bear

ang kantahin. Para hindi magkaroon ng posibleng alalahanin, umaga pa lang daw ay mag-perform na

daw si Jake ng papa bear. Sa gabi naman daw mag-perform ng Tatlong Bibe at for emergency purpose

daw iyon. Basta may problema, Tatlong Bibe na kanta ang agad na solusyon, ayon pa sa Gypsy. Ayaw

niyang maniwala pero para makasiguro na rin, nakakahiya mang aminin ay pinag-aaralan niya na ang

tono at sayaw ng mga kantang iyon. Nagkukulong siya sa tinutuluyang kwarto tuwing umaga para

sumayaw at kumanta ng lintik na papa bear na iyon.

Napabuntong-hininga si Jake. “Pangontra daw ito sa posibleng problema. At sa ngayon, ewan ko ba

pero si Timothy ang nakikita kong problema. Tamang-tama. Gabi na ngayon. Hindi nagpasundo si Lea.

At may pakiramdam akong si Timothy ang kasama niya kaya… sabayan nyo ako kung totoo ngang

mga kaibigan ko kayo. Para lumakas ang epekto ng pangontra.” Inabot niya sa mga kaibigan ang

kopya. Parang nagkakaisa namang nagkumpulan ang mga ito at tumitig sa papel.

Malakas na tumikhim siya bago nag-iinit ang mga pisnging kumanta kasabay ng mga kaibigan. “May

tatlong bibe akong nakita. Mataba, mapayat, mga bibe. Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa. Siya

ang lider na nagsabi ng kwak, kwak!”

Nang matapos ang kanta ay tangkang lalayo na sana sa kanya ang mga kaibigan na nagsisimula nang

pagtinginan ng mga naroroon nang nangingiting tinawag niya ang mga ito.

Kung tingnan si Jake ng mga ito ay para bang gusto nang pagsisihang naging kaibigan siya. “Have I

told you, guys, just how grateful I am that you all happened to be my friends?”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.