Chapter 17: Anny Him
CHAPTER 17 Aleighn's POV
Labag sa loob ko ang ginawang pag payag sa alok ni sir Craige na maging katulong ulit sa mansion niya, natatakot kasi ako sa mga pwedeng mangyari o magawa niya sa akin kapag bumalik ulit ako bilang katulong sa bahay niya. Wala akong karapatan na umayaw kapag sumobra na siya dahil siya lang ang magsasabi kung kailan matatapos ang pagsisilbi ko sakanya, pero wala na akong paki alam kung gaano man kasama ang ugali niya, basta para sa ikakabuti ng lagay ni Ravi gagawin ko ang lahat isa pa sanay na rin naman akong palaging nilalait at hinuhusgahan ng marami
Matapos kong pumayag sa sinabi niya ay agad akong nakipag usap sa doktor na maaring gumawa ng mga test na nararapat sa anak ko, gabi na pero mabilis ang naging kilos ng mga staff ng ospital dahil na rin sa mga koneksiyon ni sir Craige. Gusto sanang kumontra ni Aling Choleng sa naging desisyon ko, dahil aniya ay baka kung anong kapalit ang hingin sa akin ng lalaking iyon sa huli, pero dahil ang pag payag sa gusto ng isang Craige Aldomar ang paraan para maipagamot ko ng mabilis ang anak ko ng walang kahirap hirap sinabi ko sakanyang ayos lang kahit pakikisamahan ko na naman ang taong gaya niya na ubod ng sama ng ugali at bastos
Pangatlong araw namin ngayon na narito sa ospital at salamat nalang talaga sa diyos dahil maayos na ang anak ko, ayon sa doktor na tumutingin sakanya basta maalagaan lang ng mabuti si Ravi at matutukan sa gamot ay mag tutuloy tuloy ang pagbuti ng lagay niya. Hindi siya kailangan operahan dahil madadaan pa daw sa pag inom ng gamit ang kondisyon ng anak ko atnaniniwala ang doktor na gagaling ang anak ko dahil malakas at matapang na bata si Ravi, kaya naman lalo akong nabuhayan ng loob dahil sa wakas magiging maayos na rin ang anak ko
"Mama kailan po tayo uuwi?" tanong niya habang pinapa kain ko siya ng hapunan niya
"Baka bukas anak ay pwede na," untag kong sagot sakanya
"Mama okay na po ako uwi na tayo," untag niya pa ulit bago isubo ang pagkain
"Alam kong okay kana anak, gusto lang maka siguro ng Mama na magiging okay ka talaga. Wag kang mag alala anak uuwi rin tayo okay," untag ko sabay halik sa ulo niya
Magmula ng maospital si Ravi ay hindi na muna ako pumasok sa bar dahil kailangan kong tutukan ang anak kong si Ravi, pasalamat nalang ako dahil mabilis na naunawaan ni Andrea ang sitwasyon ko nagawa pa nga nilang dumalaw dalaw ni Liza dito sa amin noong nasa ikalawang araw na kami dito sa ospital
Tuwing gabi ay ako ang nagbabantay mag isa sa anak ko at pinauuwi nalang si Aling Choleng dahil alam kong kailangan niya rin ng pahinga. Sa tatlong araw na lumipas ay isang beses kong nakita dito sa ospital si sir Craige na kausap ang espesyalistang doktor na tumutingin at sumusuri sa anak ko, pero sa isang beses na iyon ay hindi kami nag usap dalawa. Tinatak ko sa utak na hindi ko utang na loob ang pagpa pagamot na ito ng anak ko mula sakanya, dahil may kapalit naman ang bagay na ito, at iyon ay ang pagiging katulong o alalay ko sakanya hangga't gusto niya
Marunong akong tumanaw ng utang na loob at kahit may ganoong kapalit ng ginawa niya para sa anak ko, sa loob loob ko ay nagpa pasalamat pa rin naman ako sakanya, dahil kung hindi dahil sa gusto niyang mangyari ay baka napano na ang anak ko
Pagtapos kong pakainin si Ravi ng hapunan ay tumawag na ako ng nurse na magbibgay sakanya ng gamot at ilang sandali lang ay nakatulog na siya, habang mahimbing na natutulog ang ang anak ko ay tinitigan ko lang siya habang paulit ulit na nagpapa salamat sa isip ko dahil hindi hinayaan ng diyos na mawala siya sa akin
Abala ako sa pag haplos sa buhok ng anak ko ng biglang bumukas ang pintuan ng hospital room na kinalulugaran namin mag ina, hindi ko sana papansinin dahil baka nurse lang iyon na ginagawa ang mga rounds nila pero ewan ko bakit awtomatiko akong napalingon at ganoon nalang ang gulat ko ng makitang pumasok si sir Craige na suot pa rin ang black office suit niya, na sa palagay ko galing pa siya sa trabaho Naglakad siya palapit sa hospital bed ng anak ko saka namulsang tumayo sa harapan ko
"Good evening sir," pormal kong bati sakanya sa mahinang boses, tanging pag sulyap lang ng bahagya ang sinukli niya sa pagbati ko
"How is he?" tanong niya habang nakatingin sa anak kong masarap na ang tulog
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Gulat akong na patingin kay sir Craige dahil marunong pala aiyang mangamusta sa lagay ng ibang tao
"Maayos naman na siya at bukas ay pwede ng ma discharge at sa bahay nalang ituloy ang pag inom ng gamot," untag ko sakanya habang sa anak ko nakatuon ang tingin "Pwede na rin ulit akong mag umpisa bilang katulong mo," dugtong ko pa
"Mabuti kung ganon masyado ng maraming alikabok ang bahay ko!" madiin niyang pagkaka sabi
"Gaano katagal akong magiging katulong mo Mr. Aldomar?" kunot noong tanong ko sakanya
"Hangga't gusto ko at hangga't hindi ka nakakabayad sa akin!" seryoso niyang untag habang masama ang tingin sa akin
Tinigil ko ang pag haplos sa buhok ng anak ko saka nagtungo sa maliit na side table na nasa bandang uluhan lang din naman ni Ravi kung saan malapit na nakatayo si sir Craige "Wala pala akong kasiguruhan kung gaano katagal akong makikisama sa ugali mong amoy basura sir Craige."
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Hindi ko alam kung bakit lumabas ang salitang iyon sa bibig ko, pero wala akong pakialam hindi ko pa naka kalimutan ang pambabastos na ginawa niya sa akin sa bar noong gabi na naospital din mismo si Ravi
"Ako ang basurang sumagip sa buhay ng anak mo baka nakakalimutan mo!" galit niyang untag sa akin sabay hila sa braso ko
Mabilis ko siyang tinabig saka sinamaan ng tingin, wala akong pakialam kung dahil sakanya ay nauoagamot ng mabilisan si Ravi, may bayad ang bagay na iyon at nasisiguro kong hindi lang basta katulong ang gagawin niya sa akin oras na nasa pamamahay niya ako
"Hindi ko utang na loob yun sir Craige, pagsisilbihan kita hindi ba?!" naktaas ang kilay kong untag sakanya
"Utang na loob mo yun sa akin Ali kaya gagawin mo lahat ng utos ko sa ayaw at sa gusto mo!" iritado niyang sagot sa sinabi ko
"Wag kang mag alala sir Craige mahirap lang ako, pero marunong akong manindigan sa mga desisyon ko. Napalaki naman akong maayos ng mga magulang ko kaya marunong akong tumupad sa usapan sa mabuting paraan, siguraduhin mo lang na hindi mo na ako babastusin ulit dahil hindi ako magda dalawang isip na saktan ka, " matapang kong untag pabalik sakanya habang masama ang tingin
Hinila ko siya palapit sa pintuan dahil baka magising si Ravi, at ng bitawan ko siya mula sa pagkakahila ko sakanya ay nakangisi siyang tumingin sa akinContent is © by NôvelDrama.Org.
"Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin sa kahit na sino kaya be ready, cause I can make you're days hell being with me!"
Nakangisi siyang tumawa bago tuluyang lumabas at iwanan akong inis na inis sakanya, kung gagawin man niyang imoyerno ang bawat araw ko sa mansion niya puwes gagawin ko ring impyerno ang kanya. Hindi ata ako si Aleighn kung magpapatalo ako sa gunggong na gaya ni Craige Aldomar, tignan natin kung hindi siya mabwisit sa pambu bwisit na gagawin ko sakanya oras na magtrabaho ulit ako sakanya
Humanda ka sakin Craige Aldomar hindi pa ako nakakalimot sa mga nagawa mong mali, kaya gagantihan ko siya sa paraan na alam kong mabu bwisit talaga siya