Caught Between Goodbye And I Love You

Chapter 13



Chapter 13

"T-TAMA ba ang pagkakarinig ko, Throne? Iniimbitahan mo ako sa kasal mo?"

Nag-iwas si Throne ng mga mata nang makita ang pagrehistro ng pagkabigla sa anyo ng ina nang

sabihin niya rito ang kanyang pakay. Inilibot niya ang paningin sa loob ng restaurant ni Christmas. NôvelDrama.Org © content.

Sinadya niya talagang doon makipagkita sa ina para hindi na magbago pa ang isip niya sa pag-imbita

rito sa kasal nila ni Christmas. Mabuti na lang at wala roon ang dalaga dahil may gig ito sa Brylle's

nang gabing iyon.

Malakas na napatikhim si Throne. "Hindi sa gusto kong naroon kayo. It's just that... I know Christmas

would appreciate it so much if you and your ex-husband will attend our wedding." Muli siyang humarap

sa ina nang wala siyang marinig na sagot mula rito.

Mababakas ang lungkot sa mga mata ng kanyang ina habang nakatitig sa kanya. Natigilan siya nang

hawakan nito ang kamay niyang nakapatong sa mesa. "T-Throne, son, hindi mo na ba talaga m-

mapapatawad si M-mama?"

Sa loob ng ilang taon na nakasama ni Throne at ng kapatid ang ina sa iisang bubong ay hindi sila

naging malapit. Palaging mainit ang ulo nito noon lalo na kapag walang naiaabot na pera ang kanilang

ama. Tuwing may pera naman ito ay sa salon agad ang deretso nito. Kaya matagal na panahon pa

siguro ang kakailanganin niyang palipasin bago tuluyang mawala ang sama ng loob na naipon sa puso

niya.

He sighed. If it weren't for Christmas, he would never dare contact his mother. Pero alam ni Throne na

kahit hindi nag-uungkat ang dalaga ay noon pa nito gustong makita at makilala ang mga magulang

niya. Hindi nga lang nito alam kung saan hahagilapin ang kanyang ama't ina.

"Kapag nakita ko sila, igaganti talaga kita, boyfriend," Naalala ni Throne na pabiro pang sinabi noon ni

Christmas. "Ako mismo ang kukutos sa kanila para sa 'yo. Itatayo ko ang bandera mo." Kahit paano ay

napangiti siya sa alaalang iyon.

"I think I can, Lara," mahina niyang sinabi pagkalipas ng ilang segundo. "But it might take some time."

"H-handa akong maghintay, anak. Para patunayan man lang sa inyo ni Cassandra na nagsisisi na si

Mama."

Tumango lang si Throne pagkatapos ay iniabot sa ina ang wedding invitation. "Ikaw na lang ang

bahalang kumontak kay..." Napatikhim siya. "Kay Papa." Tumayo na siya. "Siyanga pala, pwede mong

order-in ang lahat ng gusto mong kainin dito. Nakapagbayad naman na ako sa counter. Masasarap

ang mga pagkain nila rito. They're Christmas' specialty. So... see you at the wedding?"

Tumango ang kanyang ina. Patalikod na si Throne nang muli siyang tawagin nito. Nakakunot ang

noong lumingon siya. "Yes?"

"Thank you so much, son."

Ilang saglit siyang hindi nakapagsalita. Sandaling para bang may nagbara sa kanyang lalamunan bago

niya pinilit ang sariling ngumiti. "You're welcome... 'Ma. Saka kung may dapat ka man sigurong

pasalamatan, hindi ako 'yon. It's Christmas. She made me like this."

"MOM and dad, meet Throne Vincent Madrigal. Siya ho ang lalaking matagal ko nang ikinukwento sa

inyo," mahinang sinabi ni Christmas sa puntod ng kanyang mga magulang pagkatapos ay itinaas ang

kanyang palasinsingan. "Alam n'yo ho bang ikakasal na kami? 'Sabi ko naman ho kasi sa inyo, true

love 'to. Ayaw n'yong maniwala."

"What do you mean? Kilala na nila ako?"

Bahagyang napangiti si Christmas nang makita ang pagtataka sa anyo ni Throne nang lingunin niya

ito. "Kilala ka na ni Daddy, noon pa. Nang magbakasyon ako rito para sa college graduation n'yo ni

Kuya, that was the day that I knew I was going to love you."

He grinned. "So, noon pa pala, may pagnanasa ka na sa 'kin?"

"Oo na." Pinitik niya sa noo ang binata. "I told my dad I was going to marry you. Pero tinawanan niya

lang ako at sinabihang bata pa raw ako. Na after five years at wala pa rin daw nagbabago sa

nararamdaman ko, saka daw uli kami mag-usap. Pero ilang taon na ang lumipas... mahigit lima na nga

kung tutuusin and yet, I'm still in love with you." Tuluyan nang humarap si Christmas kay Throne at

ikinawit ang mga braso sa batok nito. "Plano ko na talagang hanapin ka sa pagbabalik ko. Naunahan

mo lang ako."

Idinikit ni Throne ang noo nito sa kanyang noo. "Sayang. Sana pala naunahan mo 'ko para noon ko pa

nalaman. Para sana, noon pa nabago ang buhay ko."

May magbabago nga ba? bulong ng isip ni Christmas. Napahugot siya ng malalim na hininga. Tatlong

araw na lang at ikakasal na sila. Sa loob ng nakalipas na mga linggo ay abala sila pareho sa pag-

aasikaso ng kasal. Nag-leave si Throne sa trabaho para masamahan siya. Kung hindi niya lang sana

nalaman ang totoo, siguro hanggang ngayon, pakiramdam niya ay naglalakad pa rin siya sa ulap sa

saya.

Mula nang malaman ng kuya niya ang tungkol sa pagpapakasal niya ay hindi na siya kinibo pa nito.

Muling umalis ng bansa ang kanyang kapatid at nagpunta sa Spain para alagaan ang nagkasakit na

abuela nila. Ni hindi nga niya sigurado kung a-attend ito sa kanyang kasal. Sadness clouded her face.

Sabagay, may kasalan nga bang magaganap?

Bahagyang lumayo si Christmas kay Throne at magiliw na hinaplos ang mga pisngi nito. Every single

day, she got so scared. Parang araw-araw, pakiramdam niya ay sinisentensyahan niya ang sarili dahil

naghihintay na lang siya kung kailan siya iiwan ni Throne. Kung kaya lang sana ni Christmas na siya

na ang maunang lumayo ay ginawa niya na.

Bumuntong-hininga si Throne. "Ilang araw na lang at ikakasal na tayo pero hindi ko pa rin nakakausap

ang kapatid mo."

Pareho lang tayo. Hindi ko na rin nakakausap si Kuya. Masama kasi ang loob niya sa 'kin. Matigas daw

kasi ang ulo ko. Naisaloob ni Christmas.

"Ni hindi man lang ako nakapamanhikan sa inyo nang maayos. Through Skype ko lang nakausap ang

lola mo at may sakit pa siya," Para bang totoong dismayado nga na sinabi ni Throne.

Inatake sa puso ang abuela ni Christmas na sanhi raw ng pagod dahil kahit na sitenta anyos na

mahigit ay abala pa rin ito sa pag-aasikaso sa restaurant nila sa Spain. Iyon ang dahilan kung bakit

hindi nila maisama ng kapatid ang kanilang abuela sa pag-uwi. Dahil ayaw pa rin nitong iwan ang

negosyo nito. Sa abuela niya minana ang hilig sa pagluluto.

Bumalik ang atensyon ni Christmas kay Throne nang muling marinig ang malakas na pagbuntong-

hininga nito. "Kung puntahan ko na lang kaya sila ni Jethro sa Spain 'tapos, sabay-sabay na kaming

bumalik dito?"

Mahigpit na niyakap niya na lang ang binata para hindi nito makita ang pagpatak ng kanyang mga

luha. Bakit ba ganoon si Throne? Kung makapagsalita, para bang totoong-totoo ang mga sinasabi

nito? Kung yakapin siya ng binata ay para bang ayaw talaga siyang pakawalan? At kung titigan siya ay

para bang mahal na mahal nga siya nito? Hindi tuloy maiwasan ng kanyang puso na muling umasa.

Magkapatid nga talaga kayo ni Cassandra. Pareho kayong mahilig magpaasa. At kami naman ni Kuya

itong mga tanga. Dahil umaasa nga kami.

"Hindi na kailangan," bulong niya mayamaya. "Sigurado namang darating sila bago ang kasal."

"PAANO ba 'yan? Sa Sunday pa tayo magkikita," Nakangiting sinabi ni Throne kay Christmas nang

makarating na sila sa tapat ng bahay ng dalaga. "Everyone's been pushing us about this pamahiin

thing. 'Might as well believe it kaysa hindi pa matuloy ang kasal natin." Kinindatan niya si Christmas.

"Don't miss me too much, okay?"

Pababa na sana si Throne mula sa kanyang kotse para pagbuksan ang dalaga ng pinto nang pigilan

siya nito sa braso. Nagtatanong ang mga matang tumingin siya rito.

Christmas looked so heartbreakingly beautiful that night that he was tempted to kiss her right there and

then if only he hadn't seen the tears in her eyes. Nagsalubong ang mga kilay niya, inangat ang baba ng

dalaga at maagap na pinunasan ang mga luha nito. "What's wrong?" he asked softly. "Bakit ka

umiiyak?"

"Wala naman. I just want to tell you my vows now." Namamaos ang boses na sagot ni Christmas. "In

case you don't show up on Sunday."

Kumunot ang noo ni Throne. "Chris, ano ba'ng sinasabi mo-"

"Sshh." Anang dalaga pagkatapos ay inilapat ang dalawang daliri sa kanyang mga labi para patigilin

siya. Buong pagmamahal na tinitigan ni Christmas ang kanyang mukha na tila kinakabisa iyon. "Ang

sabi nila, ang tunay na nagmamahal daw, palaging bukas ang dalawang kamay para tanggapin ang

taong minamahal niya, regardless of what he was or what he will be in the future. Gano'n ang

pagmamahal ko para sa 'yo, Throne."

Kinuha ni Christmas ang mga kamay niya at masuyong hinagkan. Tears ran down her cheeks.

"Ipinapangako ko sa 'yong ipagluluto kita araw-araw hanggang sa magsawa ka. Kakantahan kita kapag

nalulungkot ka, hahalikan kapag nasasaktan ka, at mamahalin pa rin kita kahit na nagyayabang, nag-

aangas o nagsusuplado ka." Gumaralgal ang boses nito. "Hindi man ako ang maging the best na

asawa sa buong mundo, ipinapangako ko naman sa 'yo na palagi kitang iintindihin dahil mahal na

mahal kita."

The pain that flitted across her eyes took his breath away. "Ano ba'ng sinasabi mo? Siyempre, darating

ako."

NAPATANGO na lang si Christmas sa sinabi ni Throne. "Yeah, of course you will," Mahinang sinabi

niya pagkatapos ay walang siglang ngumiti. "Wag mo 'kong alalahanin. It's probably just the wedding

jitters."

Nang akmang bubuksan na ni Christmas ang pinto ng kotse ay si Throne naman ang siyang pumigil sa

kanya sa braso. "Naaalala mo pa ba ang sinabi ko sa 'yo noon?"

Napasigok siya. "Which one?"

"The part where I said I only know love because you exist? Totoo 'yon, Chris," Throne tenderly said. "I

love you."

"Y-you really... d-do?" Tumango ang binata. Nagsisikip ang dibdib na muli siyang ngumiti. "Thank you."

Tinitigan siya ni Throne. "Sa araw ng kasal, ipinapangako ko sa 'yo na aalisin ko ang lahat ng pag-

aalinlangan dyan sa puso mo."

Hindi na sumagot si Christmas. When Throne kissed her, she shut her eyes and kissed him back with

all the love she had in her heart for him. Lalo niya pang inilapit ang sarili rito. Kung iyon na ang huling

beses na mararamdaman niya ang mga labi ni Throne na humahalik sa kanya ay susulitin niya na.

Nang maramdaman niyang pumaikot ang mga braso ng binata sa kanyang baywang ay saglit na

nagmulat si Christmas at tinandaan ang nakapikit at payapa na anyo ni Throne nang mga sandaling

iyon. Ito na iyon, ang alaalang nabanggit niya sa kuya niya na habang-buhay niyang itatago at iingatan

sa kanyang puso.

Muli niyang naramdaman ang pag-iinit ng kanyang mga mata dahilan para muli niya iyong ipikit. For

the last time, she let herself burn... and be lost in the world Throne created, the world... that he would

soon break into pieces.

God, Throne. I love you so much. Maghihintay ako sa pagdating mo sa Linggo. Palagi lang akong

maghihintay para sa 'yo. That... is my solemn vow.

"SIR THRONE, mabuti naman po at dumating na kayo. Kanina pa po may naghihintay sa inyo."

Kumunot ang noo ni Throne sa isinalubong sa kanya ng isa sa mga kasambahay niya pagkababa niya

sa kotse. Wala siyang inaasahang bisita sa gabing iyon. Kung ang pinsang si Bryle naman, siguradong

tatawag na muna ito sa kanya bago siya puntahan sa kanyang bahay. Imposible rin namang si

Christmas iyon dahil kagagaling niya lang sa bahay nito.

"Sino daw ho, Manang?"

"Kapatid daw po ni ma'am Christmas, Sir. 'Jethro Llaneras' daw po."

Ilang saglit na natigilan si Throne. Ang akala niya ay nasa Spain pa rin si Jethro at hahabol na lang

para sa kasal nila ni Christmas kinabukasan ng gabi kasama ang abuela nito, katulad na rin ng

nabanggit ni Christmas. Mayamaya lang ay sumilay ang sinserong ngiti sa kanyang mga labi. Sa

wakas ay makakausap niya na rin pala si Jethro nang mas maaga kaysa sa kanyang inaasahan.

Kay tagal din niyang inasam na muling makausap si Jethro tungkol sa relasyon nila ni Christmas.

Sinadya niya pa mismo noon ang lalaki sa Thailand pagkatapos niyang malaman ang totoong nangyari

sa pagitan nito at ng kapatid niya. Pero hindi nagawang harapin ni Jethro si Throne dahil abala raw ito

ayon sa secretary nito. Dalawang araw lang ang inilagi niya sa Thailand. Kinailangan niya ring bumalik

agad sa bansa para masamahan si Christmas sa pag-aasikaso sa kanilang kasal. Pero sa loob ng

dalawang araw na iyon ay nabigo siyang makita man lang si Jethro. And he had been wondering why

ever since.

Nasa kolehiyo pa lang sila ay alam na ni Throne na nangunguna si Christmas sa priorities ni Jethro sa

buhay mula nang yumao ang mga magulang ng magkapatid. Alam niya kung gaano kamahal ni Jethro

ang nag-iisang kapatid kaya nga si Christmas ang naisip ni Throne na paghigantihan noon dahil alam

niyang ito ang kahinaan ni Jethro... Kaya hindi niya maintindihan kung bakit para bang walang interes

ang lalaki sa nakatakdang pagpapakasal nila ni Christmas.

Naipilig ni Throne ang ulo sa naisip. 'Di bale na. I'm sure the answers will all be revealed tonight.

Walang pagmamadali sa mga hakbang na tinahak niya na ang daan papasok. Napahugot muna siya

ng malalim na hininga bago dahan-dahang binuksan ang front door. Hindi niya inaasahan ang

dalawang magkasunod na suntok na sumalubong sa kanya dahilan para mawalan siya ng balanse at

matumba.

"Hello, Madrigal."

"FOR THE last few weeks, I tried so hard not to care but heck, pakiramdam ko, para akong binibitay sa

tuwing naiisip ko ang kasal-kasalang mangyayari sa Linggo," nagbabaga ang mga mata sa galit na

sinabi ni Jethro kay Throne. "Akala mo ba talaga, gano'n ako kagago para hindi ko malaman ang plano

mo laban sa amin ng kapatid ko?"

He gasped. Damn it, Cassandra.

Tama nga ang hinala niya. Hindi nga lilipas ang gabing iyon nang hindi nasasagot ang kanyang mga

katanungan. Ngayon ay alam niya na kung bakit ni hindi man lang nagkaroon ng interes si Jethro na

muli siyang makita.

Tumayo siya at hindi ininda ang nasaktang panga. Deretso niyang tinitigan sa mga mata si Jethro.

Pakiramdam niya ay nakikipagtitigan siya sa mga mata ni Christmas nang mga sandaling iyon. "Pag-

usapan natin ito nang maayos, Jethro. Magpapaliwanag ako-"

"Bakit? Lulusot ka pa? I was there, Madrigal, nang puntahan mo si Cassandra sa ospital at ibinuko mo

ang plano." Jethro's jaw tightened. "What did you say back there again? That it was because-"

"Alam ko na ang totoo ngayon," Maagap na putol ni Throne sa mga sasabihin pa sana ng kaharap.

"Alam ko na ngayon na si Chad ang puno't dulo ng lahat." Napabuntong-hininga siya. "And I'm sorry. I

really am. But I just acted like any brother would, Jethro." Marahas na nahaplos niya ang kanyang

batok. "Wala siyang ibang boyfriend na ipinakilala sa akin noon maliban sa 'yo kaya ano pa ba ang

iisipin ko? Ni hindi nga pumasok sa isip ko si Chad because like you, I trusted Cassandra, too."

Nang makita ni Throne ang pagdaan ng pagkabigla sa mga mata ni Jethro ay agad niya iyong

sinamantala para magpaliwanag. "Wala na talaga akong balak na ituloy pa ang plano nang mag-

propose ako kay Christmas, Jethro. Dahil natutunan ko na rin siyang mahalin. Because of her, I have

changed-"

Natawa si Jethro pero walang kasing pait iyon sa pandinig ni Throne. "At sa tingin mo, maniniwala ako

na bigla na lang ay mahal mo na ang kapatid ko pagkatapos mong malaman ang totoo?" Tumalim ang

mga mata ng lalaki. "For all I know, baka naghahanap ka na naman ng mapagbabalingan ng galit mo

dahil hindi mo mahagilap si Chad. He flew back to Canada. And aside from me, Christmas is the only

person available."

"I love her, Jethro-"

"Hell!"

"Tama na, Jet. Please."

Natahimik sila nang marinig ang boses ni Cassandra. Pareho silang napalingon sa gawi ng hagdan.

Isang buwan na rin ang nakalipas mula nang nakabalik ang kapatid ni Throne sa bahay nang mai-

discharge ito sa ospital.

"Wow. And here comes the queen of lies," Jethro said sarcastically. "You know what? If there's one

thing that's admirable about the both of you, it is the fact that you lie... consistently. Sa sobrang galing

ninyong magsinungaling, kahit sino, mapapaniwala n'yong marunong nga kayong magmahal."

"Pero mahal ko talaga si Christmas," Giit ni Throne. "Ano ka ba naman, Jet? Kilala mo ako. Ilang taon

din tayong naging magkaklase. I know I was wrong. Kaya nga bumabawi ako. Besides, can't you give

your sister some credit? She's a wonderful woman. Hindi siya mahirap mahalin."

Matagal na napatitig si Jethro kay Cassandra saka ito tumingin sa kanya. "Gusto kong maniwala sa

'yo, Madrigal. Gusto kong maniwala na siguro nga, pareho lang tayong naging tanga at nagtiwala

lang..." Mapait na napangiti ang lalaki. "Pero kapag ginawa ko 'yon, para na rin akong naniwalang

posibleng magkaroon ng kapatid na pusa ang daga. Lying just seems... to flow in your veins."

Tumalikod na si Jethro at humakbang palapit sa pinto. Pero bago nito binuksan ang pinto ay muli itong

humarap kay Throne. "Darating ako sa Linggo, Madrigal. Whether or not you show up, I'll be watching

you. Gumawa ka ng kababalaghan sa Linggo at sinisiguro ko sa 'yo, hindi kita patatahimikin...

hanggang sa kabilang mundo."

Marahas na naihilamos ni Throne ang mga palad sa mukha. "Heck, you don't understand-"

"Of course I do. And one more thing," Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Jethro. "My sister

knows."

Natulala si Throne. Nang marinig niya ang malakas na pagbagsak ng pinto ay saka lang siya tuluyang

nakabawi. Napaupo siya sa sofa. Ang gusto sana ni Throne ay pagkatapos na ng kasal nila ni

Christmas niya aaminin ang lahat. Natatakot siyang sumama ang loob nito sa kanya dahilan para hindi

matuloy ang kanilang kasal. He needed an assurance that despite her possible anger, they would still

be tied together, and he had the rest of his life to make it up for her.

Bigla ay sumagi sa isip niya ang mga sinabi sa kanya ni Christmas nang magkita sila. Ang malulungkot

na mga mata at ngiti, ang mga nakapagtatakang salita at ang... mga luha nito.

"So, that was the reason why you cried? Akala mo hindi ako darating sa Linggo?" bulong ni Throne sa

kawalan. He laughed as his tears fell. "Pero sa tindi ng pagmamahal ko sa 'yo, ako pa nga ang

natatakot na baka ako ang hindi mo siputin. Because I got scared, too, Chris. Especially when I fell in

love with you."

KAAGAD na sumilip sa bintana ng kanyang kwarto si Christmas nang marinig ang malakas na

pagbuhos ng ulan sa labas. Malungkot siyang napangiti pagkatapos ay ibinaba ang hawak na wedding

dress. Bukas na ang nakatakda niyang kasal. Kahit pa minadali ang preparasyon para doon ay marami

silang nagtulung-tulong sa pag-aasikaso kaya naman ang kabuuan niyon ay ang dream wedding niya.

Pero bukas din ang nakatakdang araw ng paghihiganti ni Throne. Muli niyang naramdaman ang

pagbigat ng kanyang dibdib. Lumabas siya ng kwarto at nagpunta sa veranda. Hinayaan niya ang

sariling mabasa ng ulan. She wanted to savor every drop of it until the heaviness in her heart

disappeared. Inilahad niya ang mga braso at tumingala sa kalangitan.

"Go on, rain some more!" Hysterical na sigaw niya. "Go on, rain on me!" Napahagulgol na siya.

Sumabay sa ulan ang pagbuhos ng kanyang mga luha.

"Bakit kasi siya pa, Chris? Ang dami namang iba."

Nagsisikip ang dibdib na nilingon ni Christmas ang Kuya Jethro niya nang maramdaman ang

pagpatong nito ng jacket sa kanyang mga balikat. Malaki ang pasasalamat niya nang dumating ang

kapatid kasama ng abuela nila nang nagdaang gabi. Sa awa ng Diyos ay mukhang walang binanggit

ang kuya niya sa abuela nila dahil excited pa nga ito sa nalalapit niyang kasal. Nabawasan din nang

bahagya ang kirot sa kanyang puso nang salubungin siya ng kapatid ng mahigpit na yakap.

Pakiramdam niya, muli siyang nagkaroon ng kakampi.

"Kung kaya ko lang bang pumili, sa tingin mo siya ang pipiliin ko? Ayoko rin namang maging tanga,

Kuya Jet."

"Nakakolekta ka na ba ng mga alaala tulad ng gusto mo?" Para bang pinagbibigyan na lang siya na

tanong nito.

Tumango siya.

Masuyong hinawakan ng kapatid ang kanyang mga pisngi. "Eh, di tama na."

Christmas tried to smile. "Pagkatapos ng bukas, pangako, ihihinto ko na. Magsisimula ulit tayo ng

panibago. Hanggang bukas na lang... Kuya."

"Sana, nanatili ka na lang pala na bata para mas madali ka pa ring sawayin at patahanin. Hindi tulad

ngayon... na hindi na alam ni Kuya kung ano'ng gagawin." Sa halip ay sinabi ng kapatid pagkatapos ay

muli siyang ikinulong sa yakap nito.

Hindi sumagot si Christmas. Gumanti siya ng mas mahigpit pang yakap. Go on, rain some more. Her

heart yelled. Go on, rain on us.

HERE we stand today like we always dreamed. Starting out our lives forever. Night is in your eyes, love

is in our hearts. I can't believe you're really mine, forever...

Halo-halong emosyon ang lumukob kay Christmas habang naglalakad siya palapit sa altar. Gusto

niyang matuwa dahil ang araw na iyon ang katuparan ng matagal na niyang pinapangarap, ang

maikasal kay Throne, ang lalaking tanging minahal niya. Pero ni katiting na tuwa ay wala siyang

makapa sa puso niya nang mga sandaling iyon.

Humigpit ang pagkakahawak ni Christmas sa bouquet nang malinaw na niyang makita ang gwapong

mukha ni Throne. Matamis na ngumiti ang binata sa kanya. Muli ay nakaramdam siya ng matinding

pangamba. She wanted to smile to show her family and friends that she was fine. But she couldn't do

it... because deep inside, she was too broken to smile.

"Just say the word, Chris. Nasa labas lang ang kotse ko. You still have time."

Ang mga salitang iyon ng kuya Jethro niya ang nagpagising kay Christmas. Sinikap niyang ngumiti

pagkatapos ay sinulyapan ang nag-aalalang mukha nito. "Mahal ko siya, Kuya Jet."

"Siya ba, mahal ka?"

Hindi siya nakaimik. Nang makarating na sila malapit sa altar ay kitang-kita niya ang pag-aalinlangan

sa mga mata ng kuya niya na iabot ang kanyang kamay kay Throne. Tinanguan niya ang kapatid at

siya na ang nagkusang kumawala rito.

"'Wag kang magkakamaling saktan ang kapatid ko, Throne Madrigal. You haven't seen me at my

worst."

"Do you believe in karma, Jethro?" sa halip ay ganting-tanong ni Throne pagkatapos ng ilang

segundong pananahimik.

Unti-unting sumibol ang kaba sa dibdib ni Christmas sa nakikitang pagtatagisan ng tingin ng dalawang

lalaki.

"What in the world are you talking-"

Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Throne. "Oh, you mean you don't know anything about karma?

Then let me tell you something about it. It strikes."

Christmas had anticipated so many scenarios but never in her wildest dream did she anticipate this.

Nagsimulang mamasa ang kanyang mga mata. Sinubukan niyang pigilan ang pagpatak ng mga luha

pero hindi niya magawa. Nagsisikip ang dibdib na napapikit na lang siya nang mariin...

"ANUMAN ang binabalak mo, I'm warning you, Madrigal, don't push it. 'Wag mo 'kong sagarin," Narinig

ni Christmas na bulong ng kapatid niya. Para namang naduduwag na gusto niyang tumakbo at takasan

na lang ang lahat nang marinig niya ang lumalakas nang pagbubulungan ng mga tao sa paligid. Pero

huli na. Huling-huli na. Anuman ang mangyari, kagustuhan niya iyon. Dahil hanggang sa huling sandali

ay nagtapang-tapangan siya.

Malaking bahagi niya rin ang gusto na lang na lumubog sa kinatatayuan. Umasa-asa pa kasi siya.

Pinangunahan agad si Christmas ng saya nang pagkababa niya mula sa bridal car ay malamang

dumating na si Throne at naghihintay na sa kanya sa altar. Huli na nang maisip niyang posibleng parte

pa rin iyon ng plano ng binata.

"Throne, Christmas, and Jethro, what is happening? Ano'ng ginagawa ninyong tatlo riyan?" Lalo pang

dumiin ang pagkakahawak ni Christmas sa kanyang bouquet nang marinig ang boses ng kanyang

abuela.

"I want our lives to start right here, right at this very moment. Ayoko nang magsinungaling pa sa 'yo,

Chris," sa halip ay malakas na sinabi ni Throne.

Unti-unti ay nagmulat si Christmas ng mga mata. Sinalubong niya ang mga mata ni Throne na

deretsong nakatitig sa kanya. Pero hindi niya mabasa ang expression sa mukha nito. "Gusto mong

malaman ang totoo, 'di ba? Fine. Let me start by saying the only truth I know: I love you, Chris. I really

do."

Her eyes widened. "Gusto kong ipakita at iparinig sa lahat ng taong nandito na binalak kitang

paghigantihan at na-karma ako."

Napasulyap si Christmas sa direksiyon ng mga bisita kung saan nasilip niya kanina si Cassandra na

hindi nila nagawang maisama sa entourage dahil ayon kay Throne ay hindi nito sigurado kung

makakapunta dahil raw sa trabaho nito sa Milan. Napailing siya sa naisip.

Naroroon nga si Cassandra at napapagitnaan ng may-edad nang lalaki at babae na ngayon lang niya

nakita. Parehong nakangiti ang mga ito sa kanya. "P-paano si Cassandra? Si Kuya Jet? H-how can

this be true, Throne? I heard you. The revenge-"

Lumapit si Throne sa kanya, may masuyong ngiti sa mga labi nito. "But marriage is forever, Chris. And

I wouldn't waste my forever on revenge. Falling in love with you was never on my to-do list. Pero wala

akong magawa, tinamaan talaga ako." Marahang pinunasan ng binata ang kanyang mga luha na hindi

niya namalayang tumulo na pala.

"Pinalaya ako ng pagmamahal mo. Everyday I'm with you, I tend to forget my purpose. I tend to forget

that I'm supposed to hate you. Hanggang sa isang araw, nakalimutan ko na kung bakit nga ba ako

nasa tabi mo, kung bakit nga ba ako naghihiganti. Because when I'm with you, all I know is that I love

you and to hell with anything else in the world."

Lalo pang inilapit ni Throne ang sarili kay Christmas pagkatapos ay bumulong sa kanyang tainga,

dahilan para magtayuan ang mga balahibo niya sa batok. "Besides, I know the truth now. Hindi ko na

nga lang ia-announce pa sa mga bisita dahil..." Tumikhim ito. "Sabihin na natin na medyo...

nakakailang."

"Nangangalay na ako," Napalingon si Christmas sa nagsalita niyang kapatid na kahit pa hindi pa rin

makikitaan ng ngiti nang mga oras na iyon ay hindi maikakailang bahagya ng umaliwalas ang anyo.

"Senyasan n'yo na lang ako kapag tapos na kayo d'yan." Anito at naupo na muna.

Umalingawngaw sa paligid ang hagikgikan lalo na ng mga kababaihan. Pero hindi iyon alintana ni

Christmas. Muli siyang humarap sa lalaking noon pa man ay minahal niya na. Kung ganoon ay tama

pala ang nakita niya noon. Hindi pala nagsisinungaling ang mga mata ni Throne na parati nang puno

ng pagmamahal kung tumitig sa kanya.

Inilibot ni Christmas ang paningin sa buong simbahan na naaadornohan ng mga bagay na puro

paborito niya, mula sa kulay-gintong disenyo hanggang sa orchids na siyang paborito niyang bulaklak.

Muling bumalik ang tingin niya kay Throne. It was... her dream wedding, after all. Muling bumagsak ang

kanyang mga luha. Mabuti na lang pala at nagtapang-tapangan siya.

"Ngayon, pagkatapos ng lahat ng mga narinig mo... gusto mo pa rin ba akong pakasalan?" Napasigok

si Christmas. "Standing in front of you is no other than the stupid, crazy man who planned to use you

for his revenge. Pero itong baliw na 'to, natutuhan ka nang mahalin... Nang sobra-sobra, Chris. Iyon

lang ang nag-iisang bagay na maia-assure ko sa 'yo... ang pagmamahal ko. And I'll be the happiest in

the world..." Ngumiti si Throne pero hindi maitatanggi ang pagbakas ng kaba sa mga mata nito. "If

you'd still say yes to me after everything you've heard."

UNCERTAINTY filled Throne's chest while waiting for Christmas' response. Say 'yes', parang awa mo

na.

"Do you know that I am wearing flat shoes?" Kumunot ang noo niya nang sa halip ay iyon ang isagot ni

Christmas sa kanya. "Dahil nakahanda akong maghintay sa 'yo rito kahit walang kasiguruhan kung

darating ka. I was hoping against hope that before this day ended, you'll be able to realize that you love

me, too, and marry me." Her voice broke. "Kasi ako, mula nang mahalin kita, hindi ko na ma-imagine

ang sarili kong magmamahal pa ng iba."

Para bang sasabog ang dibdib sa saya na niyakap ni Throne nang mahigpit ang dalaga. "God, I love

you so much, Chris."

"I love you, too."

Nang hindi niya na mapigilan ang sarili ay bahagya siyang humiwalay kay Christmas at saka

ninakawan ito ng mabilis na halik sa mga labi. "Nandito nga pala ang parents ko."

Her eyes lit up. "Talaga? Sila ba 'yong katabi ni Cassandra?"

Tumango si Throne. Naaliw siya nang agad na kumaway si Christmas sa nakangiting mga magulang

niya. "Hello po. Nice meeting you po. Usap po tayo mamaya."

Ilang saglit pa ay sabay na silang humarap sa altar. "Ready na po kami, Father."

"Aba'y 'I do' na kaagad para menos sa oras tutal nama'y nauna na ang halik," Nagbibirong sagot ng

pari.

Nagkatawanan sila bago sa wakas ay nagsimula na ang seremonya na habang-buhay na magtatali sa

kanila ng babaeng pinakamamahal niya. Napatingin si Throne sa imahen sa kanyang harap kasabay

ng pagguhit ng ngiti sa kanyang mga labi.

I don't think I deserve this... but thank You so much, Lord.

Epilogue

PAREHONG nagulat sina Throne at Christmas nang makita nila ang biglang pagsampal sa walong

taong gulang na anak nila na si Troy ng isa sa mga batang babaeng bisita sa birthday party nito.

Nag-aalalang dinungaw ni Christmas ang anak mula sa veranda. "Troy, son, what happened?"

"I kissed her, Mommy!" para bang balewalang ganting sigaw ng anak.

"What?!" Nanlaki ang kanyang mga mata. "At bakit mo naman ginawa 'yon?" Napatingin siya sa batang

babaeng nagmamadaling umalis sa kanilang hardin.

"Dahil siya ang nakita kong naglason kay Wacky," Tukoy ni Troy sa alaga nitong shih tzu. "Pinakain

niya si Wacky ng chocolate kaya namatay ang best friend ko, so, I kissed her. Kaysa naman

paghigantihan ko ang alaga niyang poodle at patayin rin 'yon. Mas bad 'yon, Mommy. Besides,"

nagkibit-balikat ang anak. "Dad told me it was okay."

Salubong ang mga kilay na nilingon ni Christmas ang asawang tila amused lang na nakasandal sa

barandilya habang nakatingin sa kanya. "Throne, ano na naman bang pinagtuturo mo sa anak mo?"

Lumapit si Throne sa kanya at malambing na hinapit siya sa kanyang baywang. "Gumawa na kasi tayo

ng kapatid ni Troy, honey, para hindi kung ano-ano ang naiisip niyang gawin. Bahala ka, baka maging

little avenger pa 'yan kapag hindi natin pinagbigyan."

Naiinis na tinulak ni Christmas si Throne lalo na nang maamoy niya ang damit ng asawa. "Tigil-tigilan

mo nga ako, Throne. Ang baho mo."

Kumunot ang noo ni Throne pagkatapos ay inamoy ang sarili. "Pero kaliligo ko lang, honey. Sobra ka

naman."

Hindi na siya nakasagot. Nagmamadaling nagpunta na siya sa banyo at nagduduwal. Mabilis namang

sumunod ang asawa at tinapik-tapik ang kanyang likod. "What's wrong? May nakain ka bang hindi mo

nagustuhan? Ano ba'ng-"Mayamaya ay napaawang ang bibig nito nang humarap siya. "Teka, 'wag

mong sabihing may kapatid na si Troy?"

Kahit bahagyang masama pa ang pakiramdam ay ngumiti si Christmas nang makita ang pagkislap ng

mga mata ng asawa. Alam niyang noon pa nito gustong masundan ang panganay nila, ngayon nga

lang natupad. "Oo, eight weeks na."

Napasigaw si Throne. Agad siya nitong binuhat palabas ng banyo. "Bro, buntis ulit si misis!" Masayang

balita ng asawa nang dumaan sa harap nila ang Kuya Jethro niya kasunod si Cassandra.

"Really? Congrats." Simpleng sagot ng kanyang kapatid bago umalis na. Kasunod nito si Cassandra.

Naaliw si Christmas nang makitang mayamaya lang ay huminto ang kapatid niya at nakakunot ang

noong hinarap si Cassandra. "Will you stop following me?"

Sumimangot si Cassandra. "I just wanted to apologize. It's been years, Jet. Pero hanggang ngayon,

hindi pa rin tayo nakakapag-usap nang maayos-"

"Stop that and just shut up."

"What? Lahat na lang, bawal. Bawal ang pasalamatan ka, ang puntahan ka, tawagan ka at ang lapitan

ka. Ngayon, pati ba naman ang simpleng pagso-sorry, bawal na rin?"

Nagkatingin silang mag-asawa. "Naiisip mo ba ang naiisip ko, honey?" Pilyong tanong ni Throne.

Christmas smiled back. "Parang gano'n na nga, honey."

"Talaga?"

Tumango si Christmas. Nasorpresa siya nang lumawak ang pagkakangiti ng asawa pagkatapos ay

mabilis pa sa alas-kuwatrong dinala siya sa kanilang kwarto. Napasinghap siya nang i-lock ni Throne

ang pinto. "T-teka, Throne-"

"Masaya akong pareho pala tayo ng naiisip, honey. We're really meant to be."

Nang ibaba si Christmas ni Throne sa kama ay natawa na lang siya. Huwag naman sanang tuluyang

mamana ni Troy ang kapilyuhan ng ama.

WAKAS

The Novel will be updated first on this website. Come back and continue reading tomorrow, everyone!

Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.