Kabanata 93
Kabanata 93
Aroganteng tumingala si Madeline para tingnan si Madeline. Malamang ang galit niya ay dulot ng
kahihiyan mula sa ginawa ni Jeremy nitong hapon.
Bahagyang humagikhik si Madeline. "Eh bakit ka nagagalit kung sigurado kang naglalaro lang siya
nung hinalikan niya ako? Bakit ka pa gagastos ng malaking pera para lang utusan ang ibang tao na
padalhan ako ng mga mensaheng yun?"
"Ikaw…" Namuo ang mga salita sa lalamunan ni Meredith, at di na niya ito masabi.
Napagtanto ito ni Madeline. "Yan ang dahilan bakit mo ako pinatawag sa mga utusan ng Whitman?
Para saan at pinapunta mo ako dito?"
"Importanteng bagay malamang." Naging malagim ang ngiti ni Meredith nag bigla niyang hablutin ang
braso ni Madeline, at mabagsik ang mga mata niya. "Bakit di ka na lang lumayo Madeline? Ilang beses
ko bang kailangang sabihin sayo na akin lang si Jeremy? Alam mo na dapat ngayon kung anong
mangyayari kapag inagaw mo ang lalaki ko.
"Nakalimutan mo na ba kung bakit ka nabilanggo? Nakalimutan mo na ba kung paano pinatay ni
Jeremy ang anak sa labas sa tiyan mo para pagaanin ang loob ko? Nakalimutan mo na din ba kung This content is © NôvelDrama.Org.
paano namatay ang lolo mong may sakit sa pag-iisip"
Naging malademonyo ang ngiti ni Meredith sa paningin ni Madeline.
Pagtingin sa masamang ekspresyon ni Meredith, napuno ng masasakit na imahe ang isipan ni
Madeline. Lalo na nang mabanggit ang kamatayan nh kanyang Lolo.
"Ikaw…" Bumugso ang dugo sa ulo ni Madeline. "Meredith, pinatay mo si Lolo…"
"Di ko kasalanan na may nalaman siyang di niya dapat malaman." Binabaan ni Meredith ang kanyang
boses, isang masamang tingin ang nasa mga mata niya.
Nangatog si Madeline. Nang gaganti na siya, itinulak siya ni Meredith.
Sa gulat, nangatog paatras si Madeline at napansin na pinulot ni Meredith ang kutsilyo na nasa ibabaw
ng lamesa.
Inakala ni Madeline na susugurin siya ni Meredith, pero nabigla siya nang makita niya na itinutok ni
Meredith ang kutsilyo kay Jackson na natutulog sa sofa.
Bumilis ang tibok ng puso ni Madeline. "Anong ginagawa mo Meredith?!" Sigaw niya, habang ang
lakas ng kabog ng puso niya sa kanyang dibdib.
"Hmph. Gusto kong makita kung paano ka makakatakas dito, Madeline!" Habang nakatitig kay
Madeline habang nagsasalita siya, biglang itinaas ni Meredith ang kutsilyo at hiniwaan ang mukha ni
Jackson!
"Tigil!"
"Ah!"
Ang protesta ni Madeline at sigaw ni Jackson sa sakit ay halos sabay na umalingawngaw.
Nang makitang may mahabang sugat ang malaanghel na maliit na pisngi nito, naramdaman ni
Madeline na nanikip ang puso niya sa sakit. Nagsimulang tumulo ang dugo mula sa mahabang hiwa,
nadumihan ang makinis na balat sa ibaba.
Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Meredith. Maging ang mga tigre ay hindi aatakihin ang kanilang
mga inakay. Paano nagagawa ni Meredith ang ganitong bagay…
Kaagad siyang tumakbo palapit para tulungan si Jackson na pigilan ang pagdugo, ngunit napigilan siya
ni Meredith nang ilagay nito ang kutsilyo sa kanyang mga kamay. Pagkatapos ginamit niya ang kamay
niya para hablutin ang kanang kamay ni Madeline at nagsimulang humagulhol habang mahigpit na
hawak si Madeline para di ito makapiglas sa pagkakahawak niya.
"Madeline! Paano mo nagawa ito? Bakit kailangan mong saktan ang anak ko? Ako na lang saktan mo,
wag mong idamay ang anak ko!"
Sumigaw si Meredith nang sobrang lakas na nagpasakit sa ulo ni Madeline sa sobrang ingay niya.
Hindi makapaniwalang tumitig si Madeline kay Meredith.
Ito pala ang plano ni Meredith kanina pa!
Napababa ang mga utusan at si Mrs. Whitman patungo sa kanila dahil sa kakaibang pangyayari. Nang
makita ang pangyayari, sumigaw si Mrs. Whitman sa gulat, "Diyos Ko! Ang pinakamamahal kong apo!
Bakit napakarahas mo Madeline Crawford? Paano mo nagagawang manakit ng bata?"
Nagkataon na pumasok si Jeremy sa pinto nang magsimula siyang magwala kay Madeline.
Nang makita si Jeremy, nagsimulang umiyak at manginig si Meredith. "Jeremy! Sinubukang patayin ni
Madeline ang anak natin!"
Unang balak ni Jeremy nang pumasok siya sa bahay ay magreklamo dahil ang ingay ng mga tao.
Subalit nang marinig ang mga sinabi ni Meredith, napatingin siya sa kutsilyo at kay Jackson na duguan
ang mukha. Sa isang iglap, nagdilim ang kanyang mukha.
Lumundag ang puso ni Madeline sa takot at namutla ang mukha niya nang titigan niya ang lalaking
palapit sa kanya. "Di ako yun Jeremy! Hindi ko…"
Nanigas siya sa masamang tingin ng lalaki bago pa siya matapos magpaliwanag. "Dapat sayo
mamatay!"
"Jeremy, di ako yun…"
"Bang!"
Kasabay nito, sinipa siya ni Jeremy nang sobrang lakas at tumalsik siya palayo.